Published October 03, 2013 12:18

1262636 10151823681830340 933724775 O

Dinaluhan ng humigit-kumulang na 70 kalahok ang kauna-unahang Palarong Pinoy 2013 na inorganisa ng Association of Filipino Students in Japan (AFSJ) noong ika-8 ng Setyembre, 2013 sa Nissan Stadium Sports Grounds, Yokohama City.

Para sa unang bahagi ng palaro sa ginanap sa umaga, hinati sa apat na kulay ng grupo ang mga kalahok at nagpagalingan sa Pinoy Games. Sa hapon naman ay naglaban-laban ang anim na koponan para tanghaling kauna-unahang Palarong Pinoy Basketball Champions. Iniuwi ng Team Warriors mula sa Kanagawa ang kampeonato, habang itinanghal naman sa ikalawang pwesto ang Gilas Pilipinas Japan mula sa Gunma at Saitama at nasungkit naman ng Team Yokosuka ang ikatlong puwesto.

1278954 10151823656690340 1625161835 O

1237447 10151823626030340 923246111 O

Ang iba pang lumahok sa palighasahan ay ang Team AFSJ na binubuo ng mga estudyante at alumni ng AFSJ na umabot hanggang semifinals at ang Team Midgets at Team Nissan na binubuo naman ng mga trainee mula sa Nissan Corportaion sa Kanagawa.

contributed by Mario Rico Florendo

Back to all news